Monday, December 19, 2005

PUERTO GALERA!

Mejo late na itong update ko pero wla akong pakialam... Last November 25 hanggang 28 (na hanggang 27 lang dapat) ay nanlibre sa Puerto Galera si "bigtime-pimp-im-your-papi" Engineeeeeeer J 2 tha P Clamar! Sarap nang libre! Pamasahe nalang ang pinroblema namin!! hehe. Ang saya saya!! What's up with that?!?!

Ngunit subalit datapwat kaming poker group (dudes and dudettes) ay nakapunta ng Galera nang 26 na dahil may mga trabaho ang iba at may klase din ako ng friday. Okei lang dahil ALAS TRES NANG MADALING ARAW ay nasa Cubao na kami pasakay ng Bus papuntang Batangas. Walang tulog tulog!! Sa bus na kami natulog at muntikan pang maCOMA si Kid dahil sa knain niyang beef pares with sobrang nyaman na chili sauce nang KINGKOY'S!

Pagdating sa Batangas port ay bigla kaming hinarang nang mdaming lalaki!!!! Akala namin ay katapusan na namin ngunit mas masakit pa pala sa holdap ang gagawin nila sa amin!! bebentahan nila kami nang sobrang mamahal na bagay bagay!!! tulad ng coke!!! jusko ang mahal punyeta ka!! 80 pesos ata ung 1.5 liters... fuckers...

Anyway pagsakay namin sa RO-RO ay may bigla naman nagsulputan na batang dagat na humihingi ng diapers!!! Ang sabi nila "Huggies, huggies". Para silang kulto!!! Ngunit buti na lamang at may kasama kaming decoder na si Macario Saklay! Ang gusto pala nang mga bata ay mag "HAGIS" kami ng mga barya at sisisirin nalang nila!!! Ginawa naman namin at kami'y nag-wish na sana ay may muntikang malunod sa kanila para huminto na sila sa kanilang peligrosong trabaho... Sana meron ganun sa SEA Games.

Pagdating sa Puerto Galera shores ay nag-aabang na pala si JPimp sa amin! Naglunch kami at talagang naglunch kami!! andami sobra nung pagkain na pinagoorder ni JPimp! Parang last supper nang mga bibitayin na!! PAgkatapos ay nagsitulog ang girls pati sila mandy kid at dado. Kami naman ni Maki ay hindi na mapakali at gusto nang magswimming!! Inaya namin sina Lorens, Ryan & Madel, Archie at Roymark Nemis na magswimming na nga... Ayun ang sarap pati mga babae ang sasarap!!! wuhu!! dis is da layp!!! hehe.

Kinagabihan ay nagpainom naman si JPimp nang dalawang bote ng Fundador by the beach with boys dancing! OO tama po mga boys ang mga girls dun sa pinuntahan namin. Ung mga waiter, performer at bouncer ay iisa na. Tol ders samting rong!! Pagkatapos poker na pinagwagian naman ni Aya (barfer beefcake) . hehe. Tulog na...

Ganun lang ng ganun hanggang sa napagdesisyonan na namin na Moday na nga kami umuwi... Ngunit sa lahat ng storya ay may kontrabida... Ang Best Killjoy of 2005 Awardee na tatawagin na lamang natin sa alias na "adobong malangi" ay uuwi na daw ng Sunday. AAATTT teka Teka ders more!! Kung merong Best Killjoy of 2005 Award ay meron ding Best Supporting Killjoy of 2005 Award na ibibigay natin kay... itago na lamang natin siya sa alias na... Chuvvy Singson. Yes! ayan na po ang mga awardees natin sa Puerto Galera.

Nung pauwi na kami ay biglang may nagbebeta pa ng hindi namin malaman na kung anong "tort" ung pinagsisigawan niya!! Un pala ay mga 'tart' po mga kaibigan. haaay buhay...

Paguwi ay bagsak sa tulugan... dead..

Basta sobrang saya nung experiance namin na un sa Galera with the JPimp Master himself! Salamat po ng madami!! Sa uulitin sa Boracay naman tayo!! hehe.

Saturday, November 05, 2005

Immature

Uploaded na po ang pictures na nakuha sa digicam sa Guam vacation namin. Please click this link to view them, http://blueseeker6.multiply.com/photos/album/1.

GUAM

isang super grand luho to the asiong aksaya ung naging bakasyon namin sa GUAM!!!

yan ay dahil narin sa super power cast na sumoporta sa aming mga bakasyonista!!! at sila ay sina:

1. Tito Chris and Tita Irene plus ang cute na cute na si Gabgab(stinky butt-butt daw ako pano panay ang utot).

2. Tito Danny and Tita Lilia plus ang energizer kid na si Christian(tuwang tuwa sa aking magic tricks!).

3. Tito Henry and Tita Yolly plus Harvey, Emmylou at si Sheena(tabachingching!!).

4. Tito Arman and Tita Baby plus Arvin/Ben-ben and Bryan.

5. Tito Nelson and Tita Mina plus Mark and Cindell(ganda talaga ng pangalan mo!).

6. Tita Virgi and Jerome, Richard and Veronica.

Ang mga pangyayari:

Saturday, October 22

We arrived on Guam Airport at around 10.30pm(pero 8.30pm palang sa Pinas). Sumalubong samin sina Tito Chris and family plus Tito Dan and family. Astig nga e. And sarap ng feeling dahil after 2 years ay nakita ko ulit si Tito Chris. Siya kasi ung pinakamalapit na relative ko. Parang magbestfriend lang nga kami nyan kung magusap e. hehe.

So anyway pagdating sa bahay ni Tito Chris ay naghanda si Tita Irene ng dinner, chiken na may lemon grass sa loob kaya ang sarap! hehe. Tas konti usap konti beer tas tulog na!


Sunday, October 23

Gising maaga kasi magsimba kami tas lunch ng Vietnamese food. Punta CostUless; fish market(bili ng tilapia) uwi. Tas dinner ay may potluck party na present ang lahat ng mentioned cast sa itaas. Astig ang babait nilang lahat. Di ako makapaniwala na merun pang mga taong ganun ka-generous...


Monday, October 24

lunch time na ata ako nagising! Nagpunta kami Ross(the favorite shopping place namin sa GUAM) ng afternoon tska JPS, DFS, Payless at umuwi na sa nakakahimatay na pagod... dinner kami ng mga natirang pagkain dahil sobrang dami at nanghihinayang kami nila mama na itapon nalang sa basura. (madaming hindi kumakain sa pinas...)


Tuesday, October 25

Woke up early for beach at YPao!! Sa may Tumon na libre as in walang bayad!!!!!!!!!! Na sobrang ganda nung beach! White sand pa. Tas may nakuha ko pang magpapicture sa mga Japs na naka two piece. hehe. danang yan! Tas nagluto kami ng tinola for lunch at nagpahinga ng hapon...

Micronesia Mall naman ang dinale namin after magpahinga ng hapon!!! Tapos dinner sa Capricciosa. Ang sarap nung Squid ink Pasta!!! paro freaky cyang kainin dahil kuhaly black cya. parang worms ung kinakain mo. hehe.


Wednesday, October 26

Gising ulit ng maaga dahil kami ay nag-around the island!! Lunch buffet sa Hilton Hotel tas nagpunta sa GPOS, Ross(the place to be), California Mart tapos Chamorro Village para doon magdinner! parang filipino barbeque lang ung Chamorro food!! mga pinoy pa ata ung mga nagluluto e. hehe. Paguwi namin ay may ilang box ng Ferrero na naghihintay samin na binigay ata ni Tita Yolly!!! Thanks po!


Thursday, October 27

Ross ulet!!!!! Punta office ni Tito Chris (Quality Distributors) kung saan hinainan kami ng dalawang box ng Haagen Daas ice cream(aydanang yan kahit ako natulala dahil noon ko lang natikman ung ice cream na un; mahal sa pinas ata un e kaya di ako bumibili), Essence K, Micropak(gadget house na nabaliw lang ako), Tick Tock(sakit pusong gadget house nanaman) Lunch at dinner namin sa araw na ito ay puro Vietnamese. purga to da max. Sarap kai nung lumpia e.


Friday, October 28

Luto kami sinigang pink salmon for lunch. O ha sosyal ang taray!!! Tapos after lunch ay nagpunta kami ulit sa place to be... ROSS yehey!!! Kinagabihan ay nanuod naman kami ng show sa Sand Castle, ung Magic On Ice!!! ang ganda. hehe. Kain ng Dinner sa Denny's sarap ng sari-saring steaks na mga yan!!!!!!!!!!


Saturday, October 29

Nagising ng maaga para sa Flea Market. Parang Tiangge sa atin pero mahal parin ang items. hehe. Lunch ng Chicken at Pancit for lunch. Bumili ng mga kung anong hindi ko alam sa Payless at K-MArt. Punta Hilton ulit para sa Micronesian Dream!!! Nagcruise kami sa isang ship/yacht ewan ko kung anu un basta lumulutang sa dagat at filing mo mayaman ka pag nakasakay ka gets? hehe. Dinner ng Angus Steak ba un? tama ba? basta steak. hehe. tas un punta sa upper deck para makita sunset. tas bumaba ulit dahil may show. hehe. pag uwi ay tulog sa pagod.


Sunday, October 30

Gising ulit ng maaga dahil magswimming kami sa Onward Beach Resort!! Pick Up ung cake sa California Mart. After sa resort ay nagmeryenda kami kina Tita Yolly!!! HAAAAYY ung mga sasakyan po na nakaparada sa garahe ay hindi ko man lamang napanaginipan pa. hehe. tas ung TV nilang malaki ang sarap magPlaystation duN!!! Tas simba sa Santa Barbara after ay hinabol ang K-B toys(bumili si Sam ng Woody toy) at nagdinner sa Machanao!!!


Monday, October 31

Visit namin ung office ni Tita Irene na nakatodo decorate dahil Halloween nga at pagkatapos ay naglunch sa VIP(chinese). Pagkatapos ay Ross ulit tas COstUless at marami pang ibang shopping outlets!!@! Trick or treat sa Barrigada Heights! grabe childhood dream ko makaranas ng trick or treat. hehe. Lipat kami Santa Ana kina Tito Arman! sarap ng food!!! NAgpack kami ng balikbayan boxes ni papa up to 3am. hehe.


Tuesday, November 1

Time to go home... pagising pack ulit ng boxes. tas lunch buffet sa nikko hotel kung saan nagcelebrate ang ating debutanteng si mama. hehe. andami niya gifts!!! tas last look sa beach. kumuha pa ng buhangin si mama!! Tas dumaan sa ilang shops to do last minute shopping at bumili fruits. tas deretso na sa airport. Naiyak kaming lahat nila mama pati nga si papa e nung nagpapaalam na kami. ako nga hindi ko man alam at expected na iiyak ako... pano kasi sobrang nagenjoy kami at ang babait talaga nilang lahaT!!!!! nagenjoy kami ng todo. Hindi ko nga masabi ung Thank You kay Tito Chris dahil maiiyak talaga ako ng todo kapag nagsalita pa ako. Anyway thank you thank you sa inyong lahat na anjan... dahil nagenjoy talaga kami!!! Sobrang salamat po!!!

paguwi ng Pinas mejo matamlay at banas sa dami ng tao... hehe. anyway still the best vacation in my entire LIFE!!!!

Thursday, October 20, 2005


brooke burke... host sa rockstar INXS. Posted by Picasa

drew barrymore... aydana imposibleng hindi niyo kilala ito! Posted by Picasa

carmen electra...ex wife ng madaming lalaki including dennis rodman and dave navarro! Posted by Picasa

paula garces...harold and kumar...cya ung crush ni harold na nakakasabay niya palagi sa elevator;man of the house...isang cheerleader. yeah! Posted by Picasa

isa pa...kelly brook Posted by Picasa

kelly brook...deuce bigalow european gigolo...cya ung babae sa painting nung kumain ng space cake si deuce. AT CYA ANG REAL LIFE WIFE NG ATING TRANSPORTER!!! Posted by Picasa

brooke richards. Posted by Picasa

kristanna loken...terminator 3. cya ung kalaban. hehe. Posted by Picasa

mena suvari... american pie; american beauty. Posted by Picasa

ang babaeng may pinakamalaking ass... tignana mo naman... vida guerra. Posted by Picasa

gandang umaga!!!

kakagising ko lang halos. actually mga 11 am ako nagising. hehehe. at walang problemang kumain, o kung saan kakain o kung may pera ako o kung ano man. relax lang. hehehehe.

eto pinakamasaya kong bakasyon. ang aga kasi e. tas sure pas pa mga subjects ko. congratulate niyo ako!!! for the first time nangyari sakin ito sa kamay ng UP!!! hehe.

dati kasi one week lang ang pahinga ko parati. mapasummer break kasi nga nagssummer klases din ako to catch up okya sobrang extended ng finals week ko kasi may sandamukal na removals ako. hehe. un ang pinakamasakit na feeling, ang magremovals. masakit na nga magremovals tapos pucha andami pa. halos lahat ng subjects ko!!!! tanginang yan ayaw ko na maramdaman un ulit.

katatapos ko lang maglunch. ansarap!!! dabest talaga ang pagkain dito sa tarlac!!! bukod sa libre na ung gusto mo pa talagang pagkain ang ihahain sau!! hehe. mandy umuwi ka na... hehe.

kagabi pala ay na-let down ko si kid dahil hindi ko nga siya nasamahan sa "lakad". pano kasi ay gsing pa ang dalawang superhero dito sa bahay at ayaw naman akong payagan umalis. or kung payagan man ako ay marami pang sasabihin saung nakakasakit ng loob na maiisip mo nalang na sana'y hindi ka nalang nagpaalam sa kanila at tumakas nalang.

pero nandito naman si kid sa bahay nang buong afternoon at dito pa nagdinner. NBA LIVE 2006 kami. tska burnout basta PS2 lang buong araw. hehe.

sa kasamaang palad ay wala na akong madownload na bagong "epektus" dahil 20 gig na po... opo mga minamahal kong subscribers 20 gig na po ang laman ng PC na ito. punyeta. sa mga magpapakopya ay maniningil na ako ng 100 pesos per gigabyte okei? hehe.

joke lang ung sinabi ko sa taas at gusto ko lang pasakitin ang mga loob niyo. hehe. tuloy ang ligaya!! opo tuloy ang ligaya niyo sa kanikaniyang banyo with the "ang lamig buhos ng tabo sa may pader moves".

si engelo naman ay hindi na naman nagpaparamdam. siya lang ang tangi kong pagasa magpaalam para sa akin kagabi dahil si kid nga ay whole day dito sa bahay mas maganda kung si engelo ang magpaalam para sa akin. ngunit subalit hindi nanaman po siya nagparamdam. HOOOOY!!!! andito na ulit ako sa TARLAC!!!!

un lang po. cge alam ko hindi naman ito ang ipinunta niyo dito e. kundi yang mga nakapost sa baba. tse!

Wednesday, October 19, 2005

more updates?

anu gusto niyo pa ba ng updates? hehe.

kauuwi ko lang ng Tarlac kagabi at masarap nanaman ang buhay ko dahil libre pagkain libre lahat!!! hehe. cge.

tulad ngaun tinatawag na ako para maglunch.

hehe.

maya nalang ulit... sori. hehe.

cya ung isa sa mga babae sa bar sa love actually, etc... Posted by Picasa

stacey's mom. cya un... hehe. Posted by Picasa

sagipin moko... Posted by Picasa

waaaaaaaaa.... kanyaman na!!!! gusto ko niyan... Posted by Picasa

panunuorin ko ito!!!! Posted by Picasa

ay may isda!!! Posted by Picasa

Thursday, October 13, 2005


ummm loko eto pa! Posted by Picasa

uy... jusko eto crush na crush ko tong babae na ito... Posted by Picasa

Wednesday, October 12, 2005

YEAH TARLAC RULES!!!

last week umuwi nako dito sa tarlac. friday nyt un kasama ko si dado. aga sembreak ko ngaun kasi sa kaunaunahang pagkakataon ng stay ko sa UP ay exempted ako sa lahat ng finals... kasaya naman nun! pero kasi nga tatlo lang ung nakuha kong subjects. un lang kasi pwede kong kunin kasi nga bagong shift ako sa isang bagong course.

ang sarap talaga dito sa tarlac. relax na relax ka. kasi hindi mahirap magcommute isang tryk lang nandun ka na sa kung saan mo gustong pumunta. walang trafik. walang MMDA. tahimik pa. tas shempre nandito lahat ng luho ko. PC, DSL connection, PS2, unlimited supply ng pagkain na LIBRE, alak, may mga kaibigan.... haaaay sarap tas pag matutulog ka sa gibi naka-aircon ka pucha solid talaga. dreamless ang sleep ko pag nandito ako. andami pa mga DVD ni papa. haaay kanyaman.

bday ni kid ngaun. pumunta siya dito kagabi. inuman kami habang hinihintay mag alas dose. hehe. Tanduay kinse anyos ang ininom namin. masrap naman kasi e. pramis. tska san mig lyt pagkatapos. ang sarap. nagtxt nga ang gago pinapapunta ako sa skul nila. papakilala daw ako kay jo, ung nililigawan niya.

magpapadala pala si mark ng poker chips dito sa bahay pero 7 weeks daw ang delivery time e. katagal. hehe. chige po update nalang ako ulit.

Saturday, October 08, 2005


cousins ko! hehe.  Posted by Picasa

Monday, September 26, 2005

post it!

akala ko may masusulat ako na sensible at may kwenta pero huminto utak ko.

Monday, August 15, 2005

The Death of Poker Nights

I was happy for the past couple of months. Our barkada was starting to renew its bonds once again through our latest obssession... No Limit Texas Hold 'Em/Poker. We get together every saturday night to do this and in the process our barkada is again a barkada.

But due to a very unfortunate and recurring event, our barkada's wrists were slit open once again. A wolf in a sheep's clothing is in this barkada. "This has to stop", Kaye's lips muttered as we were talking about what happened the other night. We know who you are you sick motherfucker and we will catch you red handed one day.

I ask the cooperation of the whole barkada. Let us get rid of this person. Let us talk.

I know of three robbery incidents that happened to the barkada. 1) Angela's Debut (Mark's Fone). 2) Poker Night (August 14, 2005) 3) secret na muna. (pag-usapan natin ng harapan)

I think I know what goes through the mind of this robber.

Thursday, August 04, 2005

sorry sorry sorry

sorry po sa lahat!!!! nguan lang ako nakapag-post ulit dahil ako'y tinamad. yes tama ang inyong nabasa... TINAMAD. yan ang masama sa akin. pag sinipag, sobrang sipag.... kapag naman tinamad ay nagiging basurang pakalat-kalat. walang magawang tama puro katamaran. sinipag ako ngaun dahil sinipag ako ngaun period. hehe. anyway, gusto ko lang sabihin na mamatay na sana lahat ng mga politiko dahil lahat sila ay sinungaling at kung makikita mo naman na parang may kabutihang gagawin ay may vested interest pala ang mga hinayupak. oo... gagawa lang ng mabuti yang mga yan para may mangyari sa kanilang mas madaming kabutihan. punyeta. pakitanggal na nga yang pol.sci. course na yan. parang mas maayos ang mundo pag wala na ang mga lecheng politikong yan e. alam ko ang ikokontra niyo. sasabihin niyo "sino na mamaumuno sa mga tao kung walang mga politiko? E di wala na ring gobyerno?". BEEEngkkk!!! sa tingin ko kung wala nang mga politiko ay mawawala ang 75% ng krimen dito sa mundo at mawawala pa ang 100% nang krimen dahil mga sobrang mababait na tao nalang ang matitira o kaya naman sobrang mangmang. kung may mangangahas mang manggulo ay siguradong ilalaglag sa earth. punyeta ano bang pinagsasabi ko?!

Anyway ang masasabi ko lang ay... wala na. wala na akong masabi. ay nga pala panuorin niyo ang wedding crashers at siguradong tatawa kayo ng tatawa. punyetang yan may surprise pa sa cast na sobrang kinasaya ko. basta panuorin iyo nlang!!!

Poker nyt?! hmmm... bat may 6pm slah 11pm un?! bala na. hehe. jpeeps may gusto lang akong itanong bakit ba parati nalang nilalagyan mo nang "the cool guy" ang pangalan ko? at mark bakit wala na ang mala FPJ mong fatilya?! at kid bakit hindi ka gumamit ng block and white (w/ facial scrubs)? mandy bakit hindi ka nagdala ng chummy snacks noong last poker nyt?! aya bakit ka absent?! grace bat naghigahiga ka lang sa sofa?! bojo bat ampangit mong magbalasa ng cards?! ung bago kong cards e nagmukhang pinahiram ko sa bilibid? mark bat kasi nagbluff ka? dado bakit isa kang tipo kong lalake dude sa mga pictures mo? red bakit ang gulo mo nung gabi tas bigla ka nalang nawala at humarap sa pc? bakit ayaw mo nung superlong na commercial? red bat isang pizza lang ang binili mo? sana dinalawa mo na. red maglilibre ka ba ulit sa susunod na poker nyt? kelan ba ang susunod?

Sunday, July 17, 2005

THE BOLINAO EXPERIENCE (part 6)

the full bolinao experience will be aired on friday nyt bago magpoker nyt okei?! kitakits.

Saturday, July 16, 2005

hello ulet!

pasensiya na po at sobrang tagal kong nagpost ulit at ung susunod na installment ng bolinao experience ay wala pa. meron po kasin tau ngaung internal problems at ang main cause ay super katamaran. hehe. magpopost na po ako ulit niyabn at pasensiya pong muli.

gago kaung lahat ng mga politiko. buhay pa kayo sunog na ang mga kaluluwa niyo sa impyerno. punyeta.

Saturday, June 18, 2005

uhmmm...

do you want to experience certain things only others around you are "fortunate" enough to experience?

well then you must OWN your life...

you want me to elaborate?

ok, ok...

get your ass up and live life!!!

more?

stop staring at the tube and get out!!! do something with your life!!!



huh?!? you want more?!

ok, ok... but this will be the last one.


stop being a spectator on other people's lives...

enough said, buhbye!

Tuesday, June 14, 2005

WAG NIYONG BASAHIN ITO!!!!!

ehem... sabi ko na e. ang pinakaepektib na paraan para makuha ang atensyon ng mga Pilipino ay maglagay ka ng sign na BAWAL. Cgurado kung ano mang bawal yan ay gagawin parin nila. Tulad nung nilagay ko sa taas. Sinabi nang wag basahin e binasa parin. HAAAAY PASAWAY! hehe.

MAKI'S BIRTHDAY BASH is this friday, JUNE 17, 2005, sa bahay nila sa TANDANG SORA, 6pm, pagkain at inom. NOTE: PAGKAIN AT INOM... enough said. See you there.

Ang mga may problema sa pagpunta o kung ano man magpost nalang sa shoutbox ko o kung ano man okei?! Kitakits! ADACRABZ invited lahat okei pati girls.

Thursday, June 09, 2005

BOLINAO EXPERIENCE (part 5)

Ang nakaraan:

Nakita natin ang paglabas ni Kido aka Adoboy at si Dado aka Pretty Boy. Dahil solb na sa beer at busog sa lunch na super leimpo (in bite size chunks) ay napag-isipan ng grupo na makipagbonding sa videoke machine sa hindi kalayuan.

Konting Recap:

Mga nakilala na nating mga superhero...
1. Mandudoy aka "Magnet Man"
2. Kulas aka "Satellite Man" or "Globe's Ultimate Pride in Bolinao Man"
3. Dado aka "Pretty Boy himself"
4. Kido aka "Adoboy"

Kabanata 5:

Papunta kami sa may videoke area nang nakita naming may MILF na gumugwardiya sa videoke machine. Sa isang hotdog na galaw (in one swift move) ay nagapi siya ni Magnet Man sa pamamagitan ng pagpapapalit ng 50 pesos into 5 peso coins. Sabay ginamitan ni Maki ng kanyang supersticky powers ang folder ng mga kanta upang hindi na ito makaalpas sa kanyang mga galamay. Inunahan na niya ng Livin on a Prayer ni Bonjovi ang videoke na naglagay sa amin sa sobrang kaligayahan (wait till you see the video). Ang mga kumanta sa grupo at hindi nangiljoy ay si Maki, Engel, Kid, Mandudoy at ako the rest ay nanuod lamang habang pinapahiya namin ang aming mga sarili sa harap ng maraming tao para lamang paligayahin sila. Sa hindi mawaring dahilan ay may sumagi sa mata ko na peching ng babae!!!!!!!!!!!!!! haaaaaah! Sa tagal namin dito sa Bolinao na puro lalaki ang kasama ay nagparang nakakulong na sa munti na ang aming pakiramdam. Nagpigil ako at sa pamamagitan ng aking "Satellite" ay sinuri ko ang waring "peching" ng babae. Sa aking sindak ay nakita ko si Chich!!! Siya pala ang may pagaari ng alas!! Naintindihan ko na ngaun na ang akin palang napagkamalang "peching" ay ang "Public Hair" ni Chich connecting the bulbol sa etits at pusod!! Omaygudness!! NAnu?! Nanu?! Dahil diyan ay tinawag namin siyang...(sounds sa pagbukas ng isang motion picture plus ung growling tiger na naka-snapshot) Chich aka "Public HAir Super Dude". tsaraaan!!!!

Pagkatapos ikanta ang aming mga kaluluwa at lunurin ang aming mga sarili sa beer ay napagpasiyahan naming hugasan ang aming mga sarili sa tubig ng dagat. In short swimming. hehe. Nang kami'y akma nang magsswimming ay nagprisinta si Mark, Engel at Dado na mamalengke para sa aming dinner!! okei so ang naiwang mga magswimming ay si Kid, Chich, Mandy, Maki at ako. Dahil sa kagustuhang makapunta sa "kubo sa gitna ng karagatan" ni Maki ay nanghiram kami ng balsa na gawa sa limang kawayan. Opo ganun siya kalaki at kasafe! hehe. Nung unang swimming kasi ay ako si Kid at si Engel lamang ang nakalangoy papuntang "kubo sa gitna ng karagatan". Muntikan pang kainin ng tubig si Engel buti na lamang at itinulak ako ni Kid in time upang masagip si Engelo. Tangnang yan... Balik tau sa balsa. Kami lamang ang nagpumilit marating ang "kubo sa gitna ng karagatan" sa pamamagitan ng super safe na balsa at stick na pantukod at aming mga limbs. After30 mins ay narating na namin ang "kubo sa gitna ng karagatan" na siya namang biglang pagbalik ng tatlong namalengke. So balik din kami ni Kido upang sunduin sila sa aming supersafe na balsa!!! Nawawalan na kami ng lakas na umabot uli sa "kubo sa gitna ng karagatan" por da second time nang biglang isuka ng dagat si "Jerry Yan". Opo isinuka po siya ng dagat. Sa kanyang amazing swimming skills at brute strength ay nadala niya kami ng safe sa "kubo sa gitna ng karagatan". Sa wakas buo uli ang grupo sa napakadramatic na location na ito. Sorry lamang sa amin din dahil wala kaming dalang videocam o anumang pwedeng pangrecord ng historic moment na ito dahil wala kaming nadalang mga Ziplock. dana... Nang nakita namin mula sa malayo ang isang bagyo!!! Ang sabi naman ni "JErry YAn" ay palayo daw ito dahil sa direksyon ng hangin ay palayo sa amin. Ngunit ano ito?!?! papalapit ang nasabing bagyo sa amin!!! Nagkagulo ang grupo!!!! Ang iba'y nais nang bumalik sa pampang kung saan mas safe at ang iba naman ay nais manatili upang maexperience ang isang rare event na katulad nito... Nanatili ang grupo sa "kubo sa gitna ng karagatan" ngunit nang hinahagip na sila ng malakas na bagyo ay naalala ni Mark na ang kanyang celfone pala at walet ay iniwan niya sa may pampang at nagdelikadong mabasa!!! Sinalubong namin ang bagyo ng aming supersafe na balsa at buti na lamang at nandoon si "Jerry Yan" upang kami ay tulungan!!!! Nakarating kami sa pampang just in time para mailigtas ang mga gamit ni Mark sa pagkasira. Kami'y nagtagal pa sa dagat upang mag-starfish hunting at maghanap ng more sea creatures dahil napakarami nila dito sa Bolinao. Habang nagsasaya kami sa pagtingin sa mga sea creatures ay may isa sa grupo na nagsabing..."Huwag na tayong umalis dito..." Sumangayon namn ang lahat dahil nga enjoy na enjoy sila sa mga nangyayari.

Bumalik pa kaya ang grupo sa Tarlac? Sa Manila? O tuluyan na nilang iiwanan ang lahat pati ang mga mahal nila sa buhay?!

Makaluto kaya sila ng masarap na hapunan samantalang wala ang kanilang mga yaya?

Abangan sa susunod na installment ng ating paboritong.... (drum rolls plis) "The Bolinao Experience"!!!!

Saturday, June 04, 2005

BOLINAO EXPERIENCE (part 4)

Ang nakaraan:

Ating nakita ang paglabas ng dalawa pang bagong superhero. Si Kulas aka "Satellite Man" at si Mandoy "Magnet Man". Nakipaglaban ang grupo sa langitngit ng folding bed at double deck upang makatulog ng matiwasay. Ngunit unti-unting gumagapang ang hindi mawaring lagim sa batok ng ating mga superhero.

Kabanata 4:

Mabuti na lamang at hindi sila kumain ng kung ano mang taba nung araw na iyon at kulang ang lakas ng "batok killer" upang sila'y patayin. Salamat sa "Chummy" shrimp snacks ni Mandoy at na-save ang grupo sa ano mang kapahamakan!!! Nagising ako na may naaamoy na usok!!! madaliang tumayo ako at nagulat ako nang nakita kong ang nasa kuwarto na lamang ay ako, si Engel at si Marfy!!! Nasa panganib tayo!!! Lumabas ako at tumambad sa akin ang sandamukal na inihaw na liempo na mukhang ipinagpatong patong na pancakes sa dami!! Hiniwa ko ang mga ito into bite size sa kusina at idinamay ko narin ang mga nakahandusay na sibuyas upang gumawa ng ultimate tiltilan!!! Pagkatapos nito ay naghanda na ang grupo upang kumain ng lunch! hehe. Dahil sa gutom ay nakalimutan pansamantala ng grupo ang "batok killer" at nagpakalunod sa liempo pancakes na nakaharap sa amin. Pagkatapos kumain ay biglang nagyayang mag-exercise ang mga boys. So therefore kami ay nag-swimming muna.Nang biglang may pumasko na alaala sa aking isipan... may naalala akong nakitang isang lalaking nagpaka-"Pretty Boy" sa pose niya overlooking the beach! Nakunan pala siya ni Mandudoy sa dala niyang digicam at dahil narin sa walang makatapat sa ginawa ni Dadomeiser na pagka-"Pretty Boy" ay tinawag na namin siyang...(Theme song ng Pretty Woman sa background) "The Pretty Boy himself". hehe. Biro niyo po ay biglang dumami ang mga starfish sa beach dahil lamang sa ginawang pag-pose ni Dadomeiser?! Pagkatapos ng konting swimming ay umahon na kami dahil kami ay nauuhaw na... nauuhaw sa beer!!!! Inuman muna at habang nag-iinuman ay may napansin kaming kakaiba!!! Nawawala si Kido!!! Nagulat na lamang kami nang biglang may nagsasalita na lamang na kaboses na kaboses ni Kido!!! At nakita pa namin ang "Close-up smile" ni Kido!!!!! Biglang sumabog ang liwanang at nakita na namin si Kido. Un pala ay nag-camouflage lamang siya at tumabi sa isang malaking pwit ng kaldero. Nagluto pala dito si Mang Roque Balboa ng adobo habang kami ay nagsi-swimming. Dahil sa kapangyarihan na ito ni Kido na mag-camouflage sa anumang bagay na may kinalaman sa adobo at lalong lalo na sa adobong malangi ay tinawag namin siyang... (Are you ready Boyet?!) "AdoBoy"!!!! (kulog at kidlat). Nang mejo slob na sa beer ay nag-aya si Padre Damaso or Maki na mag-videoke!! Pagkatapos ng malalim na pag-iisip ay pumayag ang lahat lalong lalo na si Marfy na napakagaling sa kantahan!

Bakit kulang ang lumabas na superhero? Ang sabi noong last na kabanat ay tatlo daw ang lalabas ngayon. bakit dalawa lang?

Wala kayang ibang tao sa videoke? Makapag-enjoy kaya kami?!

Sundan sa susunod na kabanata nang... (Please release me let me gooo...) "The Bolinao Experience"!!

Thursday, June 02, 2005

BOLINAO EXPERIENCE (part 3)

Ang nakaraan:

Lasing na ang grupo sa kakakain ng Chummy shrimp snacks at wala ng pera dahil sa lintek na poker na yan. Nag-Sim Sam nalang sila para makaalpas kahit kaunti sa kalasingan. Naalala din nila na itext ang mga mahal nila sa buhay dahil "malamig na ang gabi" at wala kaming mga kasama kundi mga lalaking may lawit.

Kabanata 3:

Nagtanungan ang grupo kung may signal ba ang isa't isa at wala ang lahat ngunit subalit datapwat sa hindi malamang rason ay may signal ang fone ni Kulas (dats mi ahem...) at full bar pa!!! Dahil dito ay nag-imbestiga ang mga superhero. Aming napag-alaman na meron palang nagtatagong "satellite dish" ang Globe sa kailalimlaliman ng aking boxer shorts! Ito pala ay ininstall ni Mang Roque Balboa upang tulungan kami. Dahil dito ay nagsilapitan ang mga celfone ng mga superhero sa akin at sila'y nagsipagtext na! Sa kabilang dako naman ay may natatago palang isang tansan ng San Mig Light si Grocery Man at biglang binato si Mandudoy! Sa hindi parin malamang pagkakataon ay dumikit ito nang buong talik sa katawan ni Mandudoy. Upang makasigurong hindi lamang kalagkitan ng katwan ang nagdulot nito tinry ni Kulas na batuhin sa Mandudoy ng malayuan (long range ito). NGUUUUNIT!!! dumikit parin ang tansan ng San Mig Light!!! Huling pagkakataon upang matukoy kung may powers na nga rin si Mandudoy at sa pagkakataong ito ay hindi na tansan lamang ng San Mig Light ang ibinato nila kay Mandudoy subalit isang pisong barya na!! And then SHAZAAAM!!! dumikit parin ito!!!! nanu nanu?!? And therefore we concluded that YES MAndudoy somehow acquired superpowers ang therefore we shall call him...(tumutugtog sa paligid ang Eye of the Tiger by Survivor) "The Magnet Man"!!!!!!

Nang lumalim na talaga ang gabi at nagbiblink na ang power meter ng mga superhero dahil wala na silang energy (parang ung kay Magma Man) ay napagpasyahan na nilang magpahinga. Pagpasok nila sa kuwarto ay naghihintay na sa kanila ang langitngit nang double deck plus langitngit ng folding bed upang sila'y puksain. Buti nalang at malalakas talaga ang ating mga superhero at ginamitan nila ito ng "ShSH" move (do this by puting your pointing finger on ur lips like so... and then using the same pointing finger, pair it with the middle finger and place them on your enemy's lips to shut them up and consume their energy. And then say, "SHHH" do this until your enemy consumes all his/her energy and can not resist anymore) upang matalo. At sa dalumdum ng gabi ay tahimik nang natulog ng mahimbing ang grupo upang maghanda sa mga lagim na maaaring ihasik ng kinabukasan.

Magising pa kaya ang ating mga superhero o ma-"Rico Yan" sila?!?
Nalalapit na ang pagkapanganak ng tatlong bagong superhero!!! Sino sila?

Subaybayan sa susunod na kabanata ng...(Total Eclipse playing in the background) The Bolinao Experience!!!!

Tuesday, May 31, 2005

BOLINAO EXPERIENCE (part 2)

Ang nakaraan:

Napakasarap ng kain ng grupo sa Jollibee Alaminos courtesy of Jollibee value meal no. 7 and 12 (for only P99). Pagkatapos kumain ay binigyan pa kami ng award ni Jollibee dahil sa aming nadiskubreng bagong value meal.

Kabanata 2:

Pathfinder vs. Walong superherong kakakain lang at "chubby mode"...

Pwesto: Mandudoy as driver. Mark ang Maki as passenger seat. Dadomeiser the Middle man. Engel and Me right wing. Kido and Chichard left wing.

Result: Sa hindi malamang himala ay nagkasya kaming lahat kahit pa naka-"chubby" mode na kami. Ngunit hindi maipagkakailang "i can't feel my legs" mode nanaman ito!

Nagdrive nanaman ang grupo patungong Bolinao. Gabi na at naghahasik na ng lagim ang aming mga tiyan. Buti nalang malamig sa labas kaya bukas bintana muna kami hanggang makahanap kami ng resort. Sa hindi malamang rason ay nagsisimula nang magharutan ang grupo at nagninipple shots na. Tiningnan ko ang aking orasan at nakita kong malapit na palang mag alas-diyes!! (10 pm) bakla mode na!!!!! kaya pala... Dahil sa walang radyo ang sinasakyan namin ay inaliw namin ang isa't isa sa pagkanta ng aming mga bagong remix sa mga sikat na kanta. KLSP (Kulangot lang sa Pansit) and Ye Ye Vonnel (Are you ready Boyet?!) ang mga sumagip sa aming sa pagkabaliw. Pagtapak ng Pathfinder sa Bolinao aynagsimula nang maghanap ang mga mata namin (with radar vision) ng resort na matutuluyan. Nakita namin ang Rock Garden Beach Resort at nagbotaohan kami kung tutloy ba kami dun. Dahil nanalo ang majority by a single vote (na hindi parin namin matukoy ngaun kung pano by single vote lang e walo kami) ay ipinadala na namin ang aming dalawang superhero Engel da Grocery Man and Maki da Sini-Gang Lord upang makipagtunggali kay Mang Roque Balboa!!! Dahil sa angking lakas at talino ng aming mga superhero ay nagapi nila si Mang "Rocky" with a dashing left and right hook plus pompyang kaya pinatuloy na niya kami sa resort. Nakuha namin ang isang kuwarto ng P4000 for 3 days!!! with aircon ang kusina and ihawan and terrace ang banyo ang Lounge!!! o ha?!! sankapa!!!! Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay Nagsimula na kaming uminom ng San Mig Light at kumain ng Chummy shrimp snacks namin!!! hahaha! Plus sempre mawawala ba ang poker?! Nang Majo nalasing na kami ay napagpasyahan namin ni Kido na ituro sa grupo ng mga superhero ang larong "SIm SAm" (a mind stimulating game). Nagenjoy kami nang husto kaya ginawan namin ng remix ang Sim Sam namely, "Boyet Boyet" at "Papaya".
Npansin namin na wala palang signal ang Globe doon at kami'y nag-alala nag husto sapagkat hindi namin makontak ang aming mga mahal sa buhay. OMAYGUNEsss!! Im sorry im sorry. Nanu nanu?!

Paano na ngaun ang grupo? Walang signal ang Globe? Magkasya kaya sila sa isang kuwarto? Bakit naging Magnet man si Mandudoy?!

Sundan sa susunod na kabanata ng the Bolinao experience (part 3)!!!!!!

Monday, May 30, 2005

BOLINAO EXPERIENCE! (part 1)

Matagal nang pinlano ang lakad namin sa bolinao. May 27 - 29 ang naka-set na schedule. Nagleave si Mandudoy(now known as Magnet Man) nang 27 at 30 para sulit na sulit daw at makapagpahinga pa siya ng monday. hehe. Si Dadomeiser naman ay nagsick leave at sinabi niyang na nahulog siya sa hangdanan at meron siyang sprained ankle. hehe. Aydanang mga kasinungalingan yaaan!!! hehe. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pwede ang mga sasakyan at ang tanging sasakyan namin ay ang pathfinder ni Marky. Dahil friday na nun at ang dapat na alis namin dito sa Tarlac ay 10am... at 5pm na nun ng friday at wala nang hope na darating pa ang pinsan ni Engelo na dapat ay dala ang isa pang sasakyan ay napagdesisyunan naming pagkasyahin nalang ang mga sarili sa pathfinder ni Marky. Ang plano:

1. Isakay ang mga bag namin sa loob ng sasakyan.
2. Ang mga cooler at electric stove and many more kitchen accesories ay sa likod nalang.
3. Dahil sa walo kami, Ako, Engelo, Maki, Mandy, Dado, Marky, Chich at Kido ay apat ang uupo sa likod at apat sa loob ng pathfinder.

Ang mga nasa loob ng pathfinder ay si Dado, Chich, Kid at Marky samantalang kami nina Mandy, Maki at Engel ay piniling magsakripisyo at magtiis alang alang sa aming mga kaibigan at doon kami naupo sa likod ng pathfinder (ay nga pala ang pathfinder ay isang pickup truck okei?) kasama ang mga cooler. Nakipaglaban kami sa hangin at sa mga insektong lumilipad. 6pm na kami nakaalis ng Tarlac galing kila Dado. Nawala pa kami at napunta sa isang dirt road. Akala namin ay mamamatay na kami dahil parang sa shake rattle and roll ni Manilyn Reynes ang setting. Nang biglang may babaeng may tungkod ang nagturo sa amin ng daan palabas ng highway. Lahat po ng sinasabi ko dito ay totoo at walang kasinungalingan. Danang yan! Takot na takot talaga kami. Nung nasa Highway na kami at hindi pa masyadong nakalalayo ay bigla namang umambon. Itinabi namin ang sasakyan at inilagay ang lahat ng mga gamit sa likod at tinakpan ng tolda. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay nagkasya kaming wala sa loob ng pathfinder. Pero sa umpisa lang pala okei ang pakiramdam. Dahil pagkatapos ng mag sampung minuto ay hindi na namin maramdaman ang aming mga legs!!!! (I can't feel ma legs!!!!) hahahaha! Dumating kami sa Alaminos ng 9pm at pinagpasyahang kumain na sa Jollibee dun. Opo may Jollibee po talaga dun. hehe. Pagkatapos magpakapuno ng tiyan sa Jollibee (no. 7 at 12) ay nagsimula nanaman po kaming lumabas patungop sa pathfinder. hehe.
Itutuloy...

Magkasya kaya ang walong magkakaibigan sa pathfinder samantalang punong puno ang kanilang tiyan ng no. 7 at 12 value meal ng Jollibee?

Sasagutin po iyan sa part 2 ng napakahabang...(drum rolls plis) the bolinao experience!!!!

Friday, May 27, 2005

starbucks...

kagabi nagttxt lang kami ni kid nang biglang napunta sa kape ang usapan namin. hindi kasi kami natuloy nung isang gabi pagkatapos uminom. danang yan ang aga magsara ng starbucks dito sa tarlac!!! 11pm! dana biro mo. kaya un umuwi kaming naglalaway nung isang gabi. e kagabi naramdaman nanaman namin ung craving sa frap ng starbuko! haha! dana 9pm palang! e di drive kami papuntang luisita. dana sabi ni kid pag sarado daw un pagdating namin magpapakamatay na daw siya. hehe. desperado sa frap e. peborit ko caramel frap. at habang nagddrive kami papunta doon ay may nakita kaming witch na nakasakay sa walis at inovertake kami. dana nimbus2005 ung walis nya nakita ko!!! kaya pala mabilis. anyway pagdating namin sa starbucks ay bigla kaming sinalubong ni darth vader at naglaban kami gamit ang bagong bili namin ni kid na lightsabers. bwisit akala ko masisira na agad ung lightsaber ko e. ngunit buti nalang at nasaksak ni kid si darth vader patalikod gamit ang lightsaber niya!! haha! nagespadahan kami poota! tapos bumili na kami ng mga kanya kanya naming frap. tas nagkwentuhan sa mga poblema sa haybu tas un okei na ulit kami. solb! haha! tas umuwi na kami at natulog. di end.

Thursday, May 26, 2005

starbucks...

kagabi nagtxt si kid gusto daw ng maayos na kape. danang yan e di pareho kaming naglaway sa starbucks! peborit ko pa naman ung caramel frap dun. aydanang yan!!! e di drive kami papunta sa luisita. sinundo pala ako ni kid. hehe. tapos pagdating dun sempre usap nanaman tungkol sa bolinao at sa mga problema ni kido. tangnang yan tol bugbugin mo nalang ung prof mo. hehe. sana talaga maging maayos ang lakad na iyon. wala kasi mga yaya namin hindi pwede lahat. hehehehe.

posted by blue_seeker_6

Wednesday, May 25, 2005

STAR WARS OVERLOAD

gusto kong magkarun ng lightsaber!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sunday, April 24, 2005

betrayal II...

sabi nila pag barkada walang taluhan. sabi nila pag barkada walang ganyanan. pero bakit ganyan? kagabi may nalaman ako. galing sa bestfriend ko. may nanuklaw sakanya patalikod. galing sa sarili naming kabarkada. umiiyak siya e. masakit un e. magbestfriend nga kami!!! pareho kami e. nauna nga lang ako. putangina naman!!! barkada ba ito? dado pasensiya ka na kung mabasa mo ito. pero sa birthday mo sa tingin ko hindi magiging maganda ang atmosphere. hindi ko kinakampihan ang bestfriend ko... walang kampihan. hindi ko pa naman nakakausap din ung isa e. pare kung totoo ngang nagawa mo kay engel un sana kausapin mo naman ako tungkol dun. mahal din kita e. kitakits.

Friday, April 22, 2005

go with the flow man...

alam mo sa tuwing nakakakita ako ng mga taong nagtatrabaho, mapa-ano man ang trabaho nila... nagkukudkod ng yelo, nagbubuhat ng mga pinamalengke, nagtatype sa computer, nagcocompute ng kikitain, nagseserve, nagluluto, nagtuturo... nakakakita ako ng bansang hirap talaga sa pag-ahon. nung minsan may nakasabay ako sa tricycle sa may balara, namalengke ata ung dalawang nakasabay ko. nung pababa na sila, nalaglag nung mama ung plastic na naglalaman ng mga binili nila. nabutas ung plastic sa kalsada. bigas pala ung laman kaya nagkalat sa daan. nakita ko ang hirap sa bansa natin nung nakita kong mahigpit na hawak sa palad nung mama ang bigas na natapon na kanyang unit-unting pinulot. biro mo nasa kalsada ung bigas. e kung masagasaan siya bigla dun?!! e di mas malaki pang problema inabot niya. ngunit sa paraang iyon ay nakita ko... ang hirap na talaga ng bansa natin. lahat ng kilala ko nagnanais magtrabaho sa abroad, gustong umalis ng bansa. ni wala ngang pagaatubili na iiwan nila ang kanilang bansang sinilangan e. dahil naghihirap tayo... tangina. kelan ba magiging maayos ang Pilipinas? ewan. cge mag-aaply pakong visa e. hehe.

may nakalimutan ka yatang isuot... Posted by Hello

peram bola! Posted by Hello

goalie saluhin mo mga bola ko ha? hehe. Posted by Hello

oi laro tayo!!!! football!!! Posted by Hello

football tayo!!! Posted by Hello

Monday, April 18, 2005

nice one!

"What are you doing with your life? If you're in such pain, then learn to use that pain as your power." - New Police Story

Try to watch this movie by Jackie Chan. A very good movie. New Police Story

Sunday, April 17, 2005


Paradiso! Posted by Hello