Friday, April 22, 2005

go with the flow man...

alam mo sa tuwing nakakakita ako ng mga taong nagtatrabaho, mapa-ano man ang trabaho nila... nagkukudkod ng yelo, nagbubuhat ng mga pinamalengke, nagtatype sa computer, nagcocompute ng kikitain, nagseserve, nagluluto, nagtuturo... nakakakita ako ng bansang hirap talaga sa pag-ahon. nung minsan may nakasabay ako sa tricycle sa may balara, namalengke ata ung dalawang nakasabay ko. nung pababa na sila, nalaglag nung mama ung plastic na naglalaman ng mga binili nila. nabutas ung plastic sa kalsada. bigas pala ung laman kaya nagkalat sa daan. nakita ko ang hirap sa bansa natin nung nakita kong mahigpit na hawak sa palad nung mama ang bigas na natapon na kanyang unit-unting pinulot. biro mo nasa kalsada ung bigas. e kung masagasaan siya bigla dun?!! e di mas malaki pang problema inabot niya. ngunit sa paraang iyon ay nakita ko... ang hirap na talaga ng bansa natin. lahat ng kilala ko nagnanais magtrabaho sa abroad, gustong umalis ng bansa. ni wala ngang pagaatubili na iiwan nila ang kanilang bansang sinilangan e. dahil naghihirap tayo... tangina. kelan ba magiging maayos ang Pilipinas? ewan. cge mag-aaply pakong visa e. hehe.