Monday, April 11, 2005

mahal niya ba?

may dalawang magkasintahan. ang lalaki ay nakatira sa probinsiya at ang babae ay kasalukuyang nasa bayan. may tanghalan kasing magaganap sa makalawa at kailangang maghanda ni babae ng talumpati. napagkasunduan nilang luluwas si lalaki ng lunes upang mapanood si babae. sabado na ngayon, alas diyes ng gabi at sa lunes na ng umaga ang tanghalan. nag-uusap sila sa telepono.
babae: "Lumuwas ka na bukas!"
lalaki: "Bakit? Hindi ba't sa lunes pa ang iyong tanghalan?"
babae: "Papacheck ko sa iyo ang ginawa kong talumpati!"
lalaki: "Ang napagkasunduan natin ay sa lunes pa ang luwas ko."
babae: "Wala ka bang matulugan dito? Mga kaibigan?"
lalaki: "Wala na sa plano iyan. Ang napagkasunduan kasi natin ay sa lunes pa talaga ang luwas ko. Hindi mo ba maipapadala yan sa email ko ngayon o bukas para doon ko nalang i-check?"
babae: "Inaantok na kasi ako. Maaga pa akong gigising bukas. Madami pa akong gagawin. Hindi ka ba talagang maaaring lumuwas na bukas?"
lalaki: "hindi talaga pwede e."
wala nang nagsalita sa kanila at ibinaba nalang ang mga telepono. parehong nagkagalit.

mahal ba nila ang isa't isa? oo mahirap husgahan ang dalawang tao kung titignan lamang ang isang pag-uusap nila. ngunit sa pagkakataong ito... mahal ba nila ang isa't isa? mahal ba ni lalaki sa babae? mahal ba ni babae si lalaki?

No comments: