Wednesday, September 19, 2007

Ang Tatlong Buwang Parusa

nagsimula ang piiiinakamahabang tatlong buwan nang buhay ko noong june 4.

at hangang ngayon sa paghihintay nang sept. 25 (unang araw nang exam) ay parang 1 taon ang haba nang bawat araw.

kasi kahit gustuhin mo man manuod ng tv, makipagdaldalan sa mga kabarkada mo, tumambay, uminom....... ay hindi kaya ng konsensya mo.

ung ultimong maglaro ng konting psp o manuod ng konting tv ay ayaw mong gawin dahil na-guiguilty ka. parang dapat bawat segundo ng buhay mo ay dapat nag-aaral ka.

wala kang kaibigan dapat... muna.

pero alam naman nating lahat na imposible yon. o cge sabihin na nating nagawa mong manuod ng tv para naman marelax ang iyong utak.

e habang nanunuod ka naman  ng tv ay nasa isip mo parin ang mga subject na pag-eexaman mo. nyeta... para kang problemado araw araw...

nakakabuset!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

malapit na ang sept. 25-26 (dalawang araw ang exam) at makakalaya na ako... sana.

PAGDASAL NIYO NAMAN NA PUMASA AKO PLIS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sunday, June 03, 2007

Ang Katapusan...

Hindi ako makapaniwala...

Ayaw kong tanggapin...

Na tapos na ang first and last "college" vacation ko...


Mamayang alas-otso ay pupunta na si Mandy dito. Sabay kasi kaming pupunta manila along with Dado.

Start na nang review for Board Exams bukas e.

Dapat masaya ako dahil wala na akong curfew ulit! Pero hindi e. Malungkot.

Mamimiss ko ang bahay na unlimited food supply na wala ka pang gastos. Ang mga kapatid kong mababait at the same time kontrabida sa buhay ko. hehe. Si mama si papa.

Lalong lalo na ung mga late nights namin nila Kid at Engel. Ang saya kasama e. Un bang isang text lang e siguradong anjan na. Ung panatag ung loob mo na kahit anong mangyari sau ay may tutulong sau nang walang hinihinging kapalit! Pag sa manila Mag-isa nanaman. Kahit may mga kasama ka pa sa bahay e parang wala lang din ung presence nila. Ang hinahanap mo ay ang mga barkada mo! ung tunay! Dahil kahit uminom lang kau nang isang bote nang beer kahit walang nagsasalita ay ok ka na. Talo pa un nang pinagpayuhan ka nang isang buong araw ni Joe D' Mango. Mami-miss ko kau mga tol pramis!!!

Pero ang inaalala ko ay si Kid. Vulnerable cya ngaun. Badtrip naman. Ngaun pa na paalis nako. SHET! Pero anjan naman si Engel.

Txt lang kau ne?

HAAAY putangina...

Friday, May 04, 2007

Sarap nang Bakasyon!!

walang magawa! di makapagpingpong dahil mainit!


nagpilit mag-darts! kala mo naman marunong!


bumigay din sa pagpapanggap at naglaro nalang ng PSP...



Walang magawa. Sarap! hehe. Kahit anu nalang ginagawa ko e. Mag-darts na hinalungkat ko pa sa bodega namin. magdownload nang torrents. hehe. tapos syemps maglaro nang walang patid sa aking PSP in da hizzieie (kayabang). Sarap nang bakasyon. Take note ha? ngaun palang ako nakapag-full vacation in seven years!!! danang yan!! pano puro summer skul ako sa UP nung college. hehe. Nakakapanibago ang ungas "nung college" yeah ryt.

Bukas po ay pupunta kami nang family sa Bolinao "Villa Carol" ulet to celebrate ang nirthday ng bunsong kapatid kong si Sam. Haaayy. Masaya pero mamimiss ko ung pag-uwi ni mandoy at ni kped... sarap sanang asarin si "THE Legend" Kid! hehe.

Aus lang mag-enjoy naman kami malaman dun ulit. Aun lang po. Sobrang init na nakakatamad maglaro ng games o gumawa ng kahit anu! Chuvyness here i come!! haha!

Monday, April 30, 2007

SA WAKAS!!!

Nag-graduate din po ako sa kursong BS Geodetic Engineering sa UP Diliman noong April 21, 2007 sa UP Theater. BS Mechanical Engineering po ang unang kurso ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko natapos kaya ako nag-shift sa GE.

Sa wakas natapos na rin. Hindi na ako kukulitin ni mama na sa tuwing magkikita kami o mag-uusap ay siguradong lalabas ang topic na un. "Kelan ka ba talga gagradwey? Naiinip nako!!" Palaging ganyan ang bukambibig ni mama. Sa wakas natapos na rin.

Now what?