Ang nakaraan:
Napakasarap ng kain ng grupo sa Jollibee Alaminos courtesy of Jollibee value meal no. 7 and 12 (for only P99). Pagkatapos kumain ay binigyan pa kami ng award ni Jollibee dahil sa aming nadiskubreng bagong value meal.
Kabanata 2:
Pathfinder vs. Walong superherong kakakain lang at "chubby mode"...
Pwesto: Mandudoy as driver. Mark ang Maki as passenger seat. Dadomeiser the Middle man. Engel and Me right wing. Kido and Chichard left wing.
Result: Sa hindi malamang himala ay nagkasya kaming lahat kahit pa naka-"chubby" mode na kami. Ngunit hindi maipagkakailang "i can't feel my legs" mode nanaman ito!
Nagdrive nanaman ang grupo patungong Bolinao. Gabi na at naghahasik na ng lagim ang aming mga tiyan. Buti nalang malamig sa labas kaya bukas bintana muna kami hanggang makahanap kami ng resort. Sa hindi malamang rason ay nagsisimula nang magharutan ang grupo at nagninipple shots na. Tiningnan ko ang aking orasan at nakita kong malapit na palang mag alas-diyes!! (10 pm) bakla mode na!!!!! kaya pala... Dahil sa walang radyo ang sinasakyan namin ay inaliw namin ang isa't isa sa pagkanta ng aming mga bagong remix sa mga sikat na kanta. KLSP (Kulangot lang sa Pansit) and Ye Ye Vonnel (Are you ready Boyet?!) ang mga sumagip sa aming sa pagkabaliw. Pagtapak ng Pathfinder sa Bolinao aynagsimula nang maghanap ang mga mata namin (with radar vision) ng resort na matutuluyan. Nakita namin ang Rock Garden Beach Resort at nagbotaohan kami kung tutloy ba kami dun. Dahil nanalo ang majority by a single vote (na hindi parin namin matukoy ngaun kung pano by single vote lang e walo kami) ay ipinadala na namin ang aming dalawang superhero Engel da Grocery Man and Maki da Sini-Gang Lord upang makipagtunggali kay Mang Roque Balboa!!! Dahil sa angking lakas at talino ng aming mga superhero ay nagapi nila si Mang "Rocky" with a dashing left and right hook plus pompyang kaya pinatuloy na niya kami sa resort. Nakuha namin ang isang kuwarto ng P4000 for 3 days!!! with aircon ang kusina and ihawan and terrace ang banyo ang Lounge!!! o ha?!! sankapa!!!! Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay Nagsimula na kaming uminom ng San Mig Light at kumain ng Chummy shrimp snacks namin!!! hahaha! Plus sempre mawawala ba ang poker?! Nang Majo nalasing na kami ay napagpasyahan namin ni Kido na ituro sa grupo ng mga superhero ang larong "SIm SAm" (a mind stimulating game). Nagenjoy kami nang husto kaya ginawan namin ng remix ang Sim Sam namely, "Boyet Boyet" at "Papaya".
Npansin namin na wala palang signal ang Globe doon at kami'y nag-alala nag husto sapagkat hindi namin makontak ang aming mga mahal sa buhay. OMAYGUNEsss!! Im sorry im sorry. Nanu nanu?!
Paano na ngaun ang grupo? Walang signal ang Globe? Magkasya kaya sila sa isang kuwarto? Bakit naging Magnet man si Mandudoy?!
Sundan sa susunod na kabanata ng the Bolinao experience (part 3)!!!!!!
Tuesday, May 31, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
yehey!!! nabasa ko na yung book 2!!! sarap subaybayan ng mga serye mo!!! [napakalalim ng aking pagsasalita..] kumilos na!!! isa kang "panalo", "wagi"...
wahaha! infernes, ako rin tawang tawa sa kwnto. pero powtah, iba pa rin ang mga pix! aydanang grocery man at satellite man!! i love the "shades" man!!!!
kelan ba yung pangatlong kabanata?!!? i am so excited and i just can't hide it.. i know, i know, i know, i know.. and i am so happy..
What a great site green awning high cholesterol Lamborghini and rental car Real webcam capture Take in pants at center back
Post a Comment