pasensiya na po sa lahat ng mga taong matagal na naghintay dito sa blog ko na ito... hehe. kahit wala namn. Last February my grandmother passed away because of old age. Umuwi lahat ng mga pinsan ko from the states. Bago pa sila dumating hindi ako masyado nalungkot o naiyak kasi parang accepted na kasi namin. Parang hinihintay nalang namin kasi talagang makikita mong nagdedeteriorate na si apo. Pero pagdating nila Kuya Gioric, Kuya way, ate chey, ate chiarelle, ate suin at marc ay parang naig-iba ang atmosphere. Parang bumalik ung alaala ni lola nung malakas pa siya. Kasi naman sa San Sebastian Gate 3 nakatira si apo noon na kila tita damsel. Hinahatid pa namin siya doon pag gabi na kasi dito siya sa Sto. Cristo nagdidinner.
Nakakamiss si lola. Ung tipo bang hihingi ka sa kanya ng baon tapos bibigyan ka niya ng limang pisong papel tas paghahatian niyo pa ng kapatid mong tumutulo ung sipon sa tabi mo. HAHAHA!!! Tapos pag si lola maglilibre kailangan pa siyang piliting magbayad kasi ang mahal naman daw. Sa halaga daw na un ay makakabili na siya nang madaming lupa sa Sn. Miguel. Haaaay lola kung nasan ka man pagpray ka namin at sana ay masaya ka.
Anyway ung ilang linggong un nang pagstay ng mga pinsan ko dito from states ay mixed emotions ika nga. Kasi naman wala na nga si lola pero mega reunion naman kami!!! Minsan biglang may tatawa na parang baliw dun sa may Enriquez kasi may naalalang nakakatawa nung mga bata pa kami. Para tuloy carnival ung burol ni apo. PEro ang alam ko masaya si apo at nakita niya kaming lahat ulit na masaya. Kasi solid kami bonding kami ng mga pinsan kong mga to. Magkababata pa kasi kaming lahat. At ako ang tinaguriang problem child noon. OO ako nga at huwag mo nang tanungin kung bakit.
Ipost ko din ang mga pictures ng mga pinsan ko sa multipy ko. Si kuya omar kasi gusto nang exposure at gusto yatang i-upgrade ang kanyang social status. nakampucha!!! hehe.
Sunday, May 07, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment