Monday, May 08, 2006

nasa huli talaga ang...

wag ka magexpect
at kung magexpect ka
magexpect ka ung simpleng mga bagay lang
para nang sa ganon madaling matupad

wag ka magexpect
kasi pag hindi nangyari
mababadtrip ka... mababadtrip ka...
pagkatapos gusto mo nang manggulo

wag ka magexpect
kasi pag hindi natupad
suicidal ka... suicidal ka...
pagkatapos gusto mo nang maglasing

maglasing ka nang maglasing
hayaan mong damayan ka ng init na taglay ni miguel
o ni empoy o ni granma o ni pale o ni light
pagkatapos gusto mo nang magjuts

magjuts ka nang magjuts
hayaan mong dalhin ng kanyang usok ang mga problema mo
o ni marlboro o ni winston o ni philip
pagkatapos gusto mo nang kendi

magkendi ka nang magkendi
hayaan mong paramdam ni storck ang tamis ng bukas
o ni halls o ni maxx o ni clorets
pagkatapos gusto mo nang manakit

manakit ka nang manakit
hayaan mong lagpasan ng mga suntok ang sakit na nadarama mo
o ni tadyak o ni chop o ni sampal
pagkatapos gusto mo nang pumatay

pumatay ka nang pumatay
hayaan mong pawiin ng huling tibok ng puso ng iba ang sa iyo
o ni apdo o ni litid o ni laman
pagkatapos gusto mo nang magbigti

magbigti ka nang magbigti
hayaan mong iparamdam ng lubid ang higpit ng totoong pagmamahal
o ni alambre o ni sako o ni nylon
pagkatapos gusto mo nang magsisi

Sunday, May 07, 2006

Hay sa wakas nagpost ang bata!!!!

pasensiya na po sa lahat ng mga taong matagal na naghintay dito sa blog ko na ito... hehe. kahit wala namn. Last February my grandmother passed away because of old age. Umuwi lahat ng mga pinsan ko from the states. Bago pa sila dumating hindi ako masyado nalungkot o naiyak kasi parang accepted na kasi namin. Parang hinihintay nalang namin kasi talagang makikita mong nagdedeteriorate na si apo. Pero pagdating nila Kuya Gioric, Kuya way, ate chey, ate chiarelle, ate suin at marc ay parang naig-iba ang atmosphere. Parang bumalik ung alaala ni lola nung malakas pa siya. Kasi naman sa San Sebastian Gate 3 nakatira si apo noon na kila tita damsel. Hinahatid pa namin siya doon pag gabi na kasi dito siya sa Sto. Cristo nagdidinner.

Nakakamiss si lola. Ung tipo bang hihingi ka sa kanya ng baon tapos bibigyan ka niya ng limang pisong papel tas paghahatian niyo pa ng kapatid mong tumutulo ung sipon sa tabi mo. HAHAHA!!! Tapos pag si lola maglilibre kailangan pa siyang piliting magbayad kasi ang mahal naman daw. Sa halaga daw na un ay makakabili na siya nang madaming lupa sa Sn. Miguel. Haaaay lola kung nasan ka man pagpray ka namin at sana ay masaya ka.

Anyway ung ilang linggong un nang pagstay ng mga pinsan ko dito from states ay mixed emotions ika nga. Kasi naman wala na nga si lola pero mega reunion naman kami!!! Minsan biglang may tatawa na parang baliw dun sa may Enriquez kasi may naalalang nakakatawa nung mga bata pa kami. Para tuloy carnival ung burol ni apo. PEro ang alam ko masaya si apo at nakita niya kaming lahat ulit na masaya. Kasi solid kami bonding kami ng mga pinsan kong mga to. Magkababata pa kasi kaming lahat. At ako ang tinaguriang problem child noon. OO ako nga at huwag mo nang tanungin kung bakit.

Ipost ko din ang mga pictures ng mga pinsan ko sa multipy ko. Si kuya omar kasi gusto nang exposure at gusto yatang i-upgrade ang kanyang social status. nakampucha!!! hehe.

Thursday, May 04, 2006

PSP or DS?!

watcha think huh?!

HUWAAAAWWW!!!

.....

nakakainis no?