Tuesday, May 31, 2005

BOLINAO EXPERIENCE (part 2)

Ang nakaraan:

Napakasarap ng kain ng grupo sa Jollibee Alaminos courtesy of Jollibee value meal no. 7 and 12 (for only P99). Pagkatapos kumain ay binigyan pa kami ng award ni Jollibee dahil sa aming nadiskubreng bagong value meal.

Kabanata 2:

Pathfinder vs. Walong superherong kakakain lang at "chubby mode"...

Pwesto: Mandudoy as driver. Mark ang Maki as passenger seat. Dadomeiser the Middle man. Engel and Me right wing. Kido and Chichard left wing.

Result: Sa hindi malamang himala ay nagkasya kaming lahat kahit pa naka-"chubby" mode na kami. Ngunit hindi maipagkakailang "i can't feel my legs" mode nanaman ito!

Nagdrive nanaman ang grupo patungong Bolinao. Gabi na at naghahasik na ng lagim ang aming mga tiyan. Buti nalang malamig sa labas kaya bukas bintana muna kami hanggang makahanap kami ng resort. Sa hindi malamang rason ay nagsisimula nang magharutan ang grupo at nagninipple shots na. Tiningnan ko ang aking orasan at nakita kong malapit na palang mag alas-diyes!! (10 pm) bakla mode na!!!!! kaya pala... Dahil sa walang radyo ang sinasakyan namin ay inaliw namin ang isa't isa sa pagkanta ng aming mga bagong remix sa mga sikat na kanta. KLSP (Kulangot lang sa Pansit) and Ye Ye Vonnel (Are you ready Boyet?!) ang mga sumagip sa aming sa pagkabaliw. Pagtapak ng Pathfinder sa Bolinao aynagsimula nang maghanap ang mga mata namin (with radar vision) ng resort na matutuluyan. Nakita namin ang Rock Garden Beach Resort at nagbotaohan kami kung tutloy ba kami dun. Dahil nanalo ang majority by a single vote (na hindi parin namin matukoy ngaun kung pano by single vote lang e walo kami) ay ipinadala na namin ang aming dalawang superhero Engel da Grocery Man and Maki da Sini-Gang Lord upang makipagtunggali kay Mang Roque Balboa!!! Dahil sa angking lakas at talino ng aming mga superhero ay nagapi nila si Mang "Rocky" with a dashing left and right hook plus pompyang kaya pinatuloy na niya kami sa resort. Nakuha namin ang isang kuwarto ng P4000 for 3 days!!! with aircon ang kusina and ihawan and terrace ang banyo ang Lounge!!! o ha?!! sankapa!!!! Pagkatapos mag-ayos ng gamit ay Nagsimula na kaming uminom ng San Mig Light at kumain ng Chummy shrimp snacks namin!!! hahaha! Plus sempre mawawala ba ang poker?! Nang Majo nalasing na kami ay napagpasyahan namin ni Kido na ituro sa grupo ng mga superhero ang larong "SIm SAm" (a mind stimulating game). Nagenjoy kami nang husto kaya ginawan namin ng remix ang Sim Sam namely, "Boyet Boyet" at "Papaya".
Npansin namin na wala palang signal ang Globe doon at kami'y nag-alala nag husto sapagkat hindi namin makontak ang aming mga mahal sa buhay. OMAYGUNEsss!! Im sorry im sorry. Nanu nanu?!

Paano na ngaun ang grupo? Walang signal ang Globe? Magkasya kaya sila sa isang kuwarto? Bakit naging Magnet man si Mandudoy?!

Sundan sa susunod na kabanata ng the Bolinao experience (part 3)!!!!!!

Monday, May 30, 2005

BOLINAO EXPERIENCE! (part 1)

Matagal nang pinlano ang lakad namin sa bolinao. May 27 - 29 ang naka-set na schedule. Nagleave si Mandudoy(now known as Magnet Man) nang 27 at 30 para sulit na sulit daw at makapagpahinga pa siya ng monday. hehe. Si Dadomeiser naman ay nagsick leave at sinabi niyang na nahulog siya sa hangdanan at meron siyang sprained ankle. hehe. Aydanang mga kasinungalingan yaaan!!! hehe. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi pwede ang mga sasakyan at ang tanging sasakyan namin ay ang pathfinder ni Marky. Dahil friday na nun at ang dapat na alis namin dito sa Tarlac ay 10am... at 5pm na nun ng friday at wala nang hope na darating pa ang pinsan ni Engelo na dapat ay dala ang isa pang sasakyan ay napagdesisyunan naming pagkasyahin nalang ang mga sarili sa pathfinder ni Marky. Ang plano:

1. Isakay ang mga bag namin sa loob ng sasakyan.
2. Ang mga cooler at electric stove and many more kitchen accesories ay sa likod nalang.
3. Dahil sa walo kami, Ako, Engelo, Maki, Mandy, Dado, Marky, Chich at Kido ay apat ang uupo sa likod at apat sa loob ng pathfinder.

Ang mga nasa loob ng pathfinder ay si Dado, Chich, Kid at Marky samantalang kami nina Mandy, Maki at Engel ay piniling magsakripisyo at magtiis alang alang sa aming mga kaibigan at doon kami naupo sa likod ng pathfinder (ay nga pala ang pathfinder ay isang pickup truck okei?) kasama ang mga cooler. Nakipaglaban kami sa hangin at sa mga insektong lumilipad. 6pm na kami nakaalis ng Tarlac galing kila Dado. Nawala pa kami at napunta sa isang dirt road. Akala namin ay mamamatay na kami dahil parang sa shake rattle and roll ni Manilyn Reynes ang setting. Nang biglang may babaeng may tungkod ang nagturo sa amin ng daan palabas ng highway. Lahat po ng sinasabi ko dito ay totoo at walang kasinungalingan. Danang yan! Takot na takot talaga kami. Nung nasa Highway na kami at hindi pa masyadong nakalalayo ay bigla namang umambon. Itinabi namin ang sasakyan at inilagay ang lahat ng mga gamit sa likod at tinakpan ng tolda. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay nagkasya kaming wala sa loob ng pathfinder. Pero sa umpisa lang pala okei ang pakiramdam. Dahil pagkatapos ng mag sampung minuto ay hindi na namin maramdaman ang aming mga legs!!!! (I can't feel ma legs!!!!) hahahaha! Dumating kami sa Alaminos ng 9pm at pinagpasyahang kumain na sa Jollibee dun. Opo may Jollibee po talaga dun. hehe. Pagkatapos magpakapuno ng tiyan sa Jollibee (no. 7 at 12) ay nagsimula nanaman po kaming lumabas patungop sa pathfinder. hehe.
Itutuloy...

Magkasya kaya ang walong magkakaibigan sa pathfinder samantalang punong puno ang kanilang tiyan ng no. 7 at 12 value meal ng Jollibee?

Sasagutin po iyan sa part 2 ng napakahabang...(drum rolls plis) the bolinao experience!!!!

Friday, May 27, 2005

starbucks...

kagabi nagttxt lang kami ni kid nang biglang napunta sa kape ang usapan namin. hindi kasi kami natuloy nung isang gabi pagkatapos uminom. danang yan ang aga magsara ng starbucks dito sa tarlac!!! 11pm! dana biro mo. kaya un umuwi kaming naglalaway nung isang gabi. e kagabi naramdaman nanaman namin ung craving sa frap ng starbuko! haha! dana 9pm palang! e di drive kami papuntang luisita. dana sabi ni kid pag sarado daw un pagdating namin magpapakamatay na daw siya. hehe. desperado sa frap e. peborit ko caramel frap. at habang nagddrive kami papunta doon ay may nakita kaming witch na nakasakay sa walis at inovertake kami. dana nimbus2005 ung walis nya nakita ko!!! kaya pala mabilis. anyway pagdating namin sa starbucks ay bigla kaming sinalubong ni darth vader at naglaban kami gamit ang bagong bili namin ni kid na lightsabers. bwisit akala ko masisira na agad ung lightsaber ko e. ngunit buti nalang at nasaksak ni kid si darth vader patalikod gamit ang lightsaber niya!! haha! nagespadahan kami poota! tapos bumili na kami ng mga kanya kanya naming frap. tas nagkwentuhan sa mga poblema sa haybu tas un okei na ulit kami. solb! haha! tas umuwi na kami at natulog. di end.

Thursday, May 26, 2005

starbucks...

kagabi nagtxt si kid gusto daw ng maayos na kape. danang yan e di pareho kaming naglaway sa starbucks! peborit ko pa naman ung caramel frap dun. aydanang yan!!! e di drive kami papunta sa luisita. sinundo pala ako ni kid. hehe. tapos pagdating dun sempre usap nanaman tungkol sa bolinao at sa mga problema ni kido. tangnang yan tol bugbugin mo nalang ung prof mo. hehe. sana talaga maging maayos ang lakad na iyon. wala kasi mga yaya namin hindi pwede lahat. hehehehe.

posted by blue_seeker_6

Wednesday, May 25, 2005

STAR WARS OVERLOAD

gusto kong magkarun ng lightsaber!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!