Wednesday, September 19, 2007

Ang Tatlong Buwang Parusa

nagsimula ang piiiinakamahabang tatlong buwan nang buhay ko noong june 4.

at hangang ngayon sa paghihintay nang sept. 25 (unang araw nang exam) ay parang 1 taon ang haba nang bawat araw.

kasi kahit gustuhin mo man manuod ng tv, makipagdaldalan sa mga kabarkada mo, tumambay, uminom....... ay hindi kaya ng konsensya mo.

ung ultimong maglaro ng konting psp o manuod ng konting tv ay ayaw mong gawin dahil na-guiguilty ka. parang dapat bawat segundo ng buhay mo ay dapat nag-aaral ka.

wala kang kaibigan dapat... muna.

pero alam naman nating lahat na imposible yon. o cge sabihin na nating nagawa mong manuod ng tv para naman marelax ang iyong utak.

e habang nanunuod ka naman  ng tv ay nasa isip mo parin ang mga subject na pag-eexaman mo. nyeta... para kang problemado araw araw...

nakakabuset!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

malapit na ang sept. 25-26 (dalawang araw ang exam) at makakalaya na ako... sana.

PAGDASAL NIYO NAMAN NA PUMASA AKO PLIS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!